Ilang taon ding tumigil si JM sa pag-aartista mula nang mapasok sa isang facility center dahil sa drugs. Pero bumangon siya at hindi nagpatalo sa masamang bisyo.
Siya sana ang leading man ni Jennylyn Mercado sa festival movie ni Atty. Joji Alonso na #WalangForever pero pinalitan siya ni Jericho Rosales. Kung hindi kami nagkakamali, huling napanood si JM sa indie movie na Tandem.
Bumilib sa aktor ang ilan niyang followers dahil nakayanan niyang baguhin ang buhay niya.
“Brad, I’m proud of you. Get up stronger! Lahat nadadapa, pero hindi lahat bumabangon. SALUTE!” – @riskbreaker13.
“You are a good person so God is always by your side to guide u…just keep the faith,” – @chynachill.
Sabik na rin ang fans ni JM na makita siyang umaarte muli sa TV at sa movie.
No comments:
Post a Comment